Ang pagsisimula ng Pagdiriwang sa Kapistahan ni Santa Marta
Ang pagsisimula ng Pagdiriwang sa Kapistahan ni Santa Marta
Sa kabila ng hamon ng pandemya at maambon na panahon, hindi natinag ang mga deboto ng Pintakasi at Rosas ng Pateros na si Santa Marta. Ang pag-ikot ng imahen ni Santa Marta sa patio ng simbahan sa saliw ng musika ay hudyat na pagsisimula ng nobenaryong alay sa Patrona.
Kaugnay nito, matagumpay na naidaos ang Traslacion at pagluluklok sa Callejerang imahen ni Santa Marta na pinangunahan ni Rev. Fr. Edgardo Barrameda katuwang ang Ministry on Popular Devotion and Piety, Catholic Women's League (CWL), Catechetical Ministry, Sta. Ana Zones and Barangay at iba pang lingkod ng simbahan.
Sinundan naman ito ng pagdiriwang ng banal na misa na pinangunahan ng Kura Paroko na si Rev. Fr. Loreto 'Jhun" N. Sanchez, Jr.