ANG SIMBAHAN NG PATEROS
Ang Simbahan ng Pateros ay itinatag ng mga Agustinong Pari bilang Visita ng Pasig taong 1572 at ito ay naging Parokya sa Pamamatnubay ni San Roque noong ika-1 Hunyo taong 1815. Ito ay ipinatayo nina Padre Andres Veil at Padre Manuel Pelaes mula sa disenyong bato sa pagkakalikha ni Padre Gomez Marañon.
Ipinagawa naman ni Padre Raymundo Martinez ang kampanang ipinangalan kay San Isidro Labrador taong 1821. Nasira ito noon ng lindol taong 1863 at ipinaayos ni Padre Nicolals Gonzales taong 1892. Natapos ang pagsasaayos ng simbahan noong 1893, sa taon ng pamumuno ni Padre Tomas Espejo.
Naging saksi ang simbahan sa noo’y Rebolusyon ng Pilipinas laban sa mga mananakop na Kastila at naging pansamantalang kwartel ni Heneral Emilio noong ika 1-2 ng Enero taong 1897. Muling nasira ang simbahan noong ika-14 ng Marso taong 1899 sa kalagitnaan ng labanan ng mga tiga-Pateros at mga Kastila.
Sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig, naging saksi ang Parokya ni San Roque sa pagitan ng labanan ng mga Pilipinong Katipunero at Hukbo ng mga Hapon. Labis ang hapis ng mga pamilya ng mga sibilyang dinakip at dinala sa simbahan na noo’y ginawang kulungan sa utos ng mga Hapon. At noong Disyembre taong 1944, pinaslang ang maraming sibilyan ng mga Hapon; isang malagim na pangyayari na naganap mismo sa loob ng simbahan.
Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig ay muling bumangon ang mamamayan ng Pateros gayundin ang simbahan nito.
Mula sa kinabibilangan nito sa Archdiyosesis ng Maynila, ito ay napasailalim sa Diyosesis ng Pasig dahil sa pagkakatatag nito noong Agosto 21, 2003.
Taong 2009, sa masidhing debosyon at panalangin ng mananamapalatayang tiga-Pateros, ang ating Parokya ay iniluklok bilang Dambanang Pandiyosesis ni Santa Marta ang ating Pintakasi at Rosas ng Pateros. Ito ay sa pamumuno ng unang Rektor ng Dambana at Kura Paro Reb. Padre Orlando B. Cantillon
Nito lamang 2015 sa Pamumuno ng ating ikalawang Rektor ng Dambana at Kura Paroko Reb. Padre Roy M. Rosales ay ipinagdiwang ng Parokya ni San Roque ang ika-200 pagkakatatag nito bilang isang Parokya. Ito ang pasasalamat ng mananampalataya sa biyayang ipinagkaloob sa nagdaang 200 daang taon at sa mga taong darating pa.
Sa kasalukuyan, ang ating simbahan ay pinamumunuan ng ating ngayo’y Rektor ng Dambana at Kura Paroko Reb. Padre Loreto "Jhun" Sanchez, Jr. Ang bawat pagkilos ng organisasyon ay nakapaloob sa 'vision' at misyon ng ating Parokya:
VISION
Pinapangako namin ang maging isang pamayanan na mga alagad ni Kristo na hinuhubog ng Espiritu Santo tungo sa pagpapalaganap ng kaharian ng Diyos sa pagkakandili ng Birheng Maria at ng Mahal na Patrong San Roque at Santa Marta.
MISSION
Ang kahalagahan ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos at ang pagdiriwang ng Sakramento sa pagkakaisa ng pamayanan;
Ang tuloy-tuloy at ganap na paghuhubog sa pananampalataya sa lahat ng pamunuan at kasapi ng mga pamayanan;
Ang pagpapalaganap ng malalim na pagkakapatiran, pananagutan at pagmamalasakitan upang maging simbahan ng mga dukha;
Ang pagbabatid ng mga lingkuran ng simbahan, pari at layko sa sitwasyon at buhay pamayanan;
Ang pagbibigay prioridad sa pagtatag at pangangalaga ng mga Parish Pastoral Units (PPU’s);
Ang pagpapahalaga sa partisipasyon ng mga kabataan sa simbahan;
Ang pangangalaga sa dignidad ng pamilya at pagpapalaganap din ng apostolado ng pamilya;
Ang pagpapahalaga sa ating kapaligiran, kalikasan at ekolohiya.
TALAAN NG MGA NAGING PARI SA PATEROS
DATE OF ASSIGNMENT PRIEST
1815 August 7 Muy Reverendo Padre Fray Andres Vehil
1815 July 11 Coadjutor Bachiller Don Manuel Pelaez
1818 April 18 Muy Reverendo Padre Fray Raymundo Martinez
1822 September 5 Muy Reverendo Padre Fray Andres Vehil
1824 May 5 Bachiller Don Luis Molina
1825 May 4 Bachiller Don Jose Beltran
1825 May 7 Bachiller Don Jose Salazar
1825 October 9 Muy Reverendo Padre Fray Elias Nebrida
1826 June 22 Muy Reverendo Padre Fray Remigio Angeles
1826 October 18 Bachiller Don Jose Beltran
1829 January 30 Bachiller Don Pedro Quilatan
1831 July 15 Bachiller Don Patricio de los Angeles
1837 April 16 Bachiller Don Balbino Lozano
1838 May 10 Muy Reverendo Padre Fray Antonio Velasco
1841 June 14 Muy Reverendo Padre Fray Juan Ruiz
1858 April 16 Muy Reverendo Padre Fray Santiago Diaz
1859 August 11 Muy Reverendo Padre Fray Agapito Aparicio
Coadjutor Bachiller Don Honorio Zarraga
1868 September 15 Muy Reverendo Padre Fray Casimiro Herrero
1869 February 9 Bachiller Don Pio Santiago
1869 April 8 Bachiller Don Gregorio Ballesteros
1869 August 17 Muy Reverendo Padre Fray Francisco Mortera
1876 November 18 Muy Reverendo Padre Fray Raymundo Cortazar
1877 January 15 Presbitero Encargado Bachiller
Don Jacinto Buenaventura
1877 February 18 Muy Reverendo Padre Fray Leonardo Llaneza
1879 June 12 Bachiller Don Jacinto Buenaventura
1879 August 2 Muy Reverendo Padre Fray Emilio Bulle
1881 January 24 Muy Reverendo Padre Fray Andres Alvarez
1881 December 21 Muy Reverendo Padre Fray Candido S. Miguel
1885 February 13 Muy Reverendo Padre Fray Guillermo Diaz
1887 July 6 Bachiller Don Gabino Lizo
1889 February 21 Presbitero Encargado Bachiller Don Rufino Tensuan
1889 May 11 Muy Reverendo Padre Fray Miguel Coco
1890 Muy Reverendo Padre Fray Nicanor Gonzales
1896 Muy Reverendo Padre Fray Tomas Espejo
1903 Cura Interinno Presbitero Don Eleuterio Lavador
Reverendo Señor Victor Raymundo
Reverendo Señor Pastor Luciano
1925 Reverendo Señor Leon Lopez
Reverend Father Nicanor de Guzman
Monsignor Narciso Gatpayad
Reverend Father Juan Efren De Jesus
Reverend Father Pedro L. Abad
Reverend Father Carlos Bernardo
Reverend Father Marcelino Aviles
1948 - 1959 Monsignor Felix C. Sicat
1959 - 1976 Monsignor Simeon Ginete
1976 - 1988 Monsignor Dalmacio G. Eusebio, Jr.
1988 - 1990 Reverend Father Alex B. Yap
1990 - 1995 Monsignor Manuel F. Sebastian
1995 - 1997 Reverend Father Romerico A. Prieto
1997 - 2001 Monsignor Rolando R. Dela Cruz
2001 - 2002 Monsignor Gerardo O. Santos
2002 - 2007 Reverend Father Von Jose R. Vargas
2007 - 2010 Reverend Father Orlando B. Cantillon
2010 - 2015 Reverend Father Roy M. Rosales
2015 - 2021 Reverend Father Jorge Jesus A. Bellosillo
2021 - Present Reverend Father Loreto N. Sanchez, Jr.