ANG PAGBABASBAS NG BAGONG BAPTISTRY AT NG PINTANG LARAWAN NG APAT NA EBANGHELISTA

Noong ika-30 ng Mayo, 2021 sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos ay ating nasaksihan ang Pagbabasbas ng Bagong Baptismal Font sa pangunguna ng ating Rektor at Kura Paroko Reb. Padre Jorge Jesus A. Bellosillo kasama ang pangunahing sponsor ng ating bagong baptistry na si Bro. Jonil Tangco. Pagkatapos ng pagbabasbas ay ang natatanging pagbubukas ng tabing at pagbabasbas ng mga pintang larawan ng apat ng Ebanghelista na handog nina G. Eddie at Camila Gonzales sa retablo ng ating dambana at parokya sa pangunguna ng ating rektor at kura paroko, PPC Chair, Sis. Nelia Flores, Punong-Bayan, Mayor Ike Ponce, at ang may likha ng obra, si G. Jerome Cortez.


Larawan mula sa: Litrato Katoliko